Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yupi sa trak, rider kumalat utak

0 30

Kumalat sa kalsada ang utak ng isang rider matapos na masalpok ng trak ang sinasakyang motorsiklo sa Quezon City nitong Miyerkoles ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Paul Allan H. Infante, rider ng Honda Motorcycle na may MV File No. 1801-0186342.

Agad namang naaresto ang suspek na si Jaris E. Pabatang, driver ng Shacman Dump Truck na may plakang NEJ 1041.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Batay sa inisyal na report sa Traffic Sector 5 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang ala-1:45 kahapon ng hapon nang mangyari ang aksidente sa Commonwealth Avenue, kanto ng Masaya St., Brgy. San Vicente, QC.

Ayon sa mga nagrespondeng sina P/MSG. Ge­rald Gallardo at P/SSG. Jonathan Gatan, nasalpok umano ng trak ang motorsiklo at natumba saka nagulungan pa ang ulo ng biktima.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa truck driver. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.