Abante Tonite Interactive

Zac Efron-Selena Gomez nangangamoy romansa

By
0 176

Marami ang natuwa nang mabalitang nagsimula nang i-follow ni Zac Efron sa Instagram si Selena Gomez.

“Matagal ko ng wini-wish na sana nga’y ma­ging malapit sila sa isa’t isa. Sana mangyari na iyan ngayong taon,” wish ng isang Twitter user na obviously ay fan nina Zac at Selena.

Gayunpaman, bago tuluyang kiligin ang mga tagahanga, hindi pa sinusundan o pina-follow ni Selena si Zac, hindi pa sa ngayon. Umaasa ang mga fan na kasunod nito ay makikita na nilang nagdi-date ang dalawa.

Nagkasama sina Zac at Selena sa pelikulang “Neighbors 2: Sorority Rising.” Dahil dito, umaasa ang kanilang mga tagahanga na madurugtungan pa ang kanilang magandang pagsasama bilang dating magkatrabaho.

Giit ng isang fan na ang isang lala­king tulad ni Zac na kahanga-hanga, kapansin-pansin at lalaking-lalaki ang tindig ang nababagay para kay Selena.

Handang mag­hintay ang kanilang mga tagahanga na subaybayan kung hanggang saan mauuwi ang umuusbong na magandang pagkakaibigan muli sa pagitan nina Zac at Selena.