Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zamar mamando sa SMB 3×3 team

0 315

Si David Zamar ang mag-coach ng San Miguel Beer sa 1st Philippine Basketball Association (PBA) men’s 3×3 2021 na nakatakdang magbukas kasabay ng Philippine Cup.

Miyembro rin siya o isa sa limang assistant coach ng Beermen sa 5×5 squad patungo sa kanyang bagong trabaho.

Nasa SMB si Zamar mula noong 2013, minsang naging national coach sa men’s hoop team at sa University of the East Red Warriors sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

“In-assign ako sa 3×3, gagampanan ko ito kung ano ng available talent, resources. Bottom line pa rin diyan is end result. Sa San Miguel organization, ‘pag na-assign ka sa isang bagay, you are there for a challenge,” aniya nitong Martes.

Tinimunan na rin minsan ni Zamar ang Philippine National Police (PNP) community relations 3×3 cage program.

Hahanap pa lang siya ng player. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.