Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zamar suportado resbak ng SMB

0 256

Kahit babad siya ng 22.8 minutes per game sa Blackwater noong 2017-18 PBA season, walang pagsisisi si Paul Zamar nang ma-trade sa San Miguel Beer taong 2018 at dito’y hindi na siya nababad.

Ibinahagi ng three-year pro veteran sa isang Lunes na edisyon ng Abante Sportalakan kay host Jireh Asido, na walang problema kahiot naging 10.3mpg na lang kanyang playing time sa Beermen dahil lalo’t dito niya nakakuha ang dalawag championship noong 2019.

“I can still offer a lot for the team, to help the team to regain the championship,” hirit ng 33-anyos na 5-10 shooting guard buhat sa Mandaluyong at ang ama ay ang assistant coach niyang si David Zamar.

Hinirit pa niyang, “Magsisisi ako kung nagpabaya ako sa sarili ko or nawala ang edge ko sa basketball but it remains the same. I’m very happy to play for San Miguel.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.