Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zambales, Batanes nilindol

0 257

Magkasunod na nakaranas ng paglindol ang Zambales at Batanes kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs tumama ang 5.4 magnitude earthquake sa bayan ng San Antonio, Zambales alas-3:48 ng hapon. Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 40 kilometro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Alas-4:14 ng hapon naman nang maramdaman ang 5.5 magnitude quake sa bayan ng Itbayat, Batanes.

Walang napaulat na malalang pinsala sa dalawang magkasunod na lindol. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.