Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zambo bombing naudlot: 3 Abu Sayyaf bulagta sa sagupaan

0 133

Patay ang tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na planong maghasik ng pambobomba matapos masabat ng pulisya ang sinasakyan nilang pumpboat at magkaroon ng engkwentro, Miyerkules ng umaga sa Zamboanga City.

Sa ulat ni Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Ano, ang pagkakapatay sa mga suspected Daulah Islamiya/ASG bomber na nakilalang sina Radi Nalul Tahirin, Hasan Alimin at Abdilla Aspalin, ay resulta ng intelligence operation ng kapulisan.

SM food to go Banner Ad

Naganap ang engkuwentro alas-6:45 ng umaga sa karagatan sakop ng Barangay Taluksangay.

Isang operasyon ang ikinasa ng puwersa ng Regional Intelligence Unit (RIU)-9 PNP; 5th Special Action Battalion (5SAB) at Explosive Ordnance Disposal (EOD) Unit ng PNP-Special Action Force (SAF); Regional Maritime Unit (RMU)-9; Regional Intelligence Division, CIDG-9 at Zamboanga City Police Office matapos makatanggap ng ulat sa gagawing pambobomba ng mga ASG bomber.

Nakuha ng pulisya sa sinasakyang pumpboat ng mga suspek ang 2 kalibre .45 baril at bulto-bultong pampasabog na gagamitin sana ng mga ito sa lungsod. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.