Abante Tonite Interactive

Zambo fire

By
12

Halos 50 pamilya ang nawalan ng masisilungan­ nang tupukin ng apoy ang may dalawampung ­bahay sa naganap na tatlong oras na sunog kahapon ng umaga sa Barangay Sto. Niño, Zamboanga City.

Sa ulat ni Insp. Clint Cha, chief ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-sais ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Soraida­ Sajili, 53.

Wala namang iniulat na namatay o nasaktan sa tatlong oras na sunog.

Samantalang inaalam pa ng mga imbestigador ang pinagmulan ng apoy.