Abante Tonite Interactive

Zamboanga City itsapuwera sa teritoryo ng Bangsamoro

By
1,778

UPANG mapanatag ang kalooban ng mga residente ng Zamboanga City, inanunsyo na ng Senate Committee on the Local Government na hindi kasama ang kanilang lungsod sa bubuuing Bangsamoro Territory.

Ayon kay Senador Sonny Angara, patunay ito na nakikinig ang mga senador at maging ang Bangsamoro Transition Commission (BTC) sa saloobin ng taumbayan.

Sinabi ni Angara na bagama’t malawak ang pagtanggap ng mga residente ng Basilan, Sulu at Tawi tawi peninsula, aminado silang iba ang damdamin ng Zamboanga City.

Ang Zamboanga City ay dalawang beses nang naisailalim sa plebesito para mapasama sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) subalit kanila itong ibinasura dahil sa kanilang paninindigan na hindi sila dapat mapasama sa bangsamoro territory.

Sa konsultasyon  sa Zamboanga City State Polytechnic College, tinuldukan na ni Angara ang usapin at kinumpirmang hindi na kasama sa BBL ang lungsod.

Ang public hearing sa Zamboanga City ang huling bahagi ng public consultation sa Mindanao ng Senado para sa BBL na target ipasa sa 2nd and 3rd reading sa Marso 22.