Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zamboanga cong, pamilya nadale ng coronavirus

0 78

Isa pang mambabatas sa Kamara ang dinapuan ng COVID-19 kasama na rin ang kanyang pamilya.

Si Zamboanga City Manuel Jose Dalipe ay nadagdag sa mga kongresistang nagpositibo sa COVID.

Kinumpirma ito mismo ni Dalipe sa kanyang Facebook post Miyerkoles ng umaga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Dalipe, maging ang kanyang ama na si dating Zamboanga City Mayor Manny Dalipe, asawa at dalawang anak ay positibo rin sa COVID.

“Five members of the Dalipe family are now bravely fighting the COVID virus. Please continue to pray for us as we also pray for everyone’s health and safety,” pahayag ng mambabatas.

Matatandaang nasa 10 kongresista na ang unang nagpositibo sa COVID 19 at dalawa sa kanila ang pumanaw.

Kabilang sa nagpositibo ay sina Cong. Arlene Brosas, Enrico Pineda, Luis `Jon-Jon’ Ferrer IV, Mujiv Hataman, Johnny Pimentel, Henry Villarica, Samier Tan, at Paul Daza. Pumanaw naman sina Senior Citizens party-list Rep. Francisco Datol Jr. at Sorsogon Rep. Ma. Bernardita `Ditas’ Ramos. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.