Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zamboanga kapos sa oxygen

0 45

Kinukulang ng oxygen supply ang mga hospital sa Zamboanga City dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 doon.

Ito ang inihayag sa ‘Laging Handa’ press briefing ni Atty. Kenneth Beldua, spokesman ng Zamboanga City COVID-19 Task Force, dahil sa seven-day positivity rate ng lungsod na 23%.

Sinabi ni Beldua na nasa critical level na ang bed occupancy sa mga hospital o nasa 86%, kabilang na dito ang Zamboang­a Medical Center na siyang sentro ng COVID-19 referrals sa lungsod.

“Right now, we really have a shortage of our oxygen which is a concern that was brought forth by the City Mayor Beng Climaco to the government.”

Dahil dito aniya ay minamadali na ng city government ang transport ng mga raw materials ng oxygen mula sa Cebu at nakipag-ugnayan na rin sila sa mga supplier para mapunan agad ang kakulangan sa gagamiting oxygen sa mga pagamutan.

Umaasa aniya ang Zamboanga city government na matutugunan ang problemang ito sa mga darating na araw dahil inaasikaso na ang mabilis na pagdating ng supply ng oxygen. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.