Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zanjoe ayaw ng ‘ghosting’

0 89

NI: ARCHIE LIAO

Sa upcoming Kapamilya series ginagampanan ni Zanjoe Marudo ang papel ng isang philandering husband kay Jodi Sta. Maria.

Pero ayon sa kanya, never daw siyang papabor sa isang taong magto-two time sa kanyang partner while in a relationship.

Dagdag pa niya, never din daw siyang nagpayo sa kaibigan na iwan ang kanyang pamilya para lamang mangaliwa.

“Hindi pa rin ako papabor. Hindi mo mapipigilan ‘yung emosyon mo e, na magkakagusto sa isang tao o ibang tao kahit may asawa ka na. Pero kung paano mo siya iha-handle, itutuloy mo ba o hindi, kailangan mo pag-isipan maigi,” paliwanag niya.

Gayunpaman, choice raw naman ng isang tao kung gusto niyang gawing kumplikado ang kanyang buhay.

“Kung magiging selfish ka ba, ‘yung sarili mo lang iintindihin mo? Or ‘di ka nga tutuloy du’n pero kalbaryo naman kung nasaan ka ngayon? Nasa tao ‘yun, kung ano ang kailangan niya sa buhay,” hirit niya.

Aniya, hindi rin daw tama na iabandona ng isang tao ang kanyang pamilya para lamang i-pursue ang kanyang selfish endeavors.

“Hindi ko sinasabi na you have to follow your heart. Hindi, lalo na kung may pamilya ka na, o may anak ka na, hindi ako maga-agree na iwan mo,” ani Zanjoe.

Sey pa niya, kung mahal ng isang tao ang kanyang asawa, hindi niya ito gagawang iwan.

“Unang-una kong tanong, mahal mo pa ba? Kung mahal mo, e ‘di wala nang ibang kasunod na tanong ‘yun. Pero kung hindi na, ibang usapan na,” bulalas niya.

Dahil sa kanyang mga naging pahayag, marami namang kibitzers ang bumilib sa pananaw ng actor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.