Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zanjoe ayaw patusin si Kylie: Kaibigan ko si Jake

0 138

Aminado si Kylie Verzosa na malaking parte ang ex-boyfriend niyang si Jake Cuenca kung paano niya naitawid ang karakter niya sa pelikulang Ikaw Lang ang Mahal ng Viva Films.

Ginagampanan ni Kylie sa pelikula ang papel na Lira na na-in-love sa karakter ni Zanjoe Marudo. On the outside, she’s smart and happy go-lucky but deep inside is a broken woman.

“Gusto ko lang pong sabihin nun’g isinu-shoot namin ‘to, Jake was a very big part of my process of building Lira dahil malaki po ang inspirasyon niya sa buhay ko noon.

“Kaya hanggang ngayon, malaki po ang pagpapasalamat ko sa kanya dahil malaking parte ng journey ni Lira si Jake,” pahayag ni Kylie sa private screening and presscon ng Ikaw Lang ang Mahal last Wednesday.

Matatandaang last month ay kinumpirma ni Jake ang break-up nila ni Kylie at wala pang statement ang aktres tungkol dito.

“Siguro sa tamang panahon makakapagkwento ako or salita, pero sa ngayon, hindi pa siya tamang panahon,” sey ni Kylie nang makatsikahan namin after the presscon.

Pero mas okay na raw siya ngayon kaysa noong first presscon ng movie na talagang ayaw niyang pag-usapan si Jake.

“I’m better na ngayon. I’m in a better place now than where I was before,” she said.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinumpirma niyang magkaibigan pa rin sila ni Jake.

Sa dinner ay tinutukso ng press si Zanjoe kay Kylie dahil ang lakas ng chemistry nila sa movie at tutal naman ay pareho silang single ngayon.

Tawa nang tawa si Zanjoe at sambit niya, “kaibigan ko si Jake.”

Ang Ikaw Lang ang Mahal ang firs team-up nina Zanjoe at Kylie mula sa direksyon ni Richard Somes. Ang daming maiinit na eksena ng dalawa but very artistically done lalo na nga ang love scene nila on top of the mountain kung saan ay pareho silang hubo’t hubad.

Kasama rin sa pelikula si Cara Gonzalez na hindi rin nagpatalbog sa aktingan kina Zanjoe at Kylie at siyempre, pati na rin sa love scenes.

Also in the cast are Lara Morena na may asim pa rin bilang sexy actress, Ronnie Lazaro, Evangeline Pascual and Joel Torre.

Isa pang malaking plus point sa pelikula ang napakagandang view ng Sagada kung saan kinunan ang movie.

Streaming na ngayong May 20 ang Ikaw Lang ang Mahal sa Vivamax.

Leave A Reply

Your email address will not be published.