Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zanjoe bet ang ‘69’

0 377

Sa kanyang vlog kasama ang Barangay Ginebra player na si LA Tenorio at actor-comedian na si Hyubs Azarcon, sumalang sa “Shot o Sagot” challenge ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo.

Sa nasabing challenge, kailangan nilang sagutin ang ilang set of questions kung saan puwede nilang sagutin ang mga katanungan sa kanila o piliing mag-shot o tumungga na lang ng alak pagkatapos na sagutin ang question.

Ang tanong ay nahahati sa easy hanggang difficult.

Ayon kay Zanjoe, kung hindi raw siya naging artista ay malamang na basketball player siya at kung maglalaro raw naman siya, posible raw na nasa Barangay Ginebra siya.

Fan daw kasi siya ni Rudy Distrito, isang retired Pinoy professional basketball player. Tinagurian itong The Destroyer noong panahon ng dating senador at coach Robert Jaworski.

Katunayan, noong hindi pa raw siya aktibo sa showbiz, talagang pinag-iipunan daw niya ang pambili ng tiket sa PBA games.

Nang tinanong naman ni Hyubs kung anong posisyon ang gusto niya, pabirong sinabi ni Zanjoe na bet daw niya ang “69.”

Pero nang nagseryoso ito, binawi niya ang pahayag at sinabi nitong gusto niyang maging point forward sa isang basketball team para tira raw siya ng tira.

Sa tanong naman kung ano ang mas bet niya between buhay probinsya o buhay sa lungsod, ani Zanjoe, mas type daw niya ang buhay probinsya.

For one, mas nagi-enjoy raw siya ngayon sa probinsya lalo na ngayong pandemic dahil mas napaglalaanan daw niya ng oras ang kanyang sarili.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Besides, parang dumating na rin daw siya sa puntong sawa sa buhay sa lungsod dahil most of the time nga ay nagtratrabaho siya.

Sa tanong naman kung nangaliwa, nag-two-time o nang-ghosting na ba siya sa isang karelasyon, ani Zanjoe, never daw nangyari iyon. Kaya nga raw lahat ng exes niya ay kaibigan pa niya hanggang ngayon kasama na ang drama queen na si Bea Alonzo.

Sey naman ni Hyubs, sa pagkakakilala niya kay Zanjoe, ito iyong tipo ng lalake na hindi papalitan agad ang kanyang ex hanggang hindi nito nakikitang may bagong boyfriend na ang kanyang dating nobya.

Mavy nagselos kay Darren

Usap-usapan ang kontrobersyal na komento ni Mavy Legaspi sa isang music video ni Darren na kasama ang rumored sweetheart niyang si Kyline Alcantara.

May caption pa ito ng pagbati at halong pagbabanta kay Darren.

“Congrats on the [music video]. For real, super proud of [you]. You know the rest man,” sey ni Mavy.

Sa huli,may nakakaintriga itong komento na: “Tama na. Akin na muna siya na may kasamang sunflower at monkey emoji na nagtatakip ng bibig.

Marami naman ang kinilig sa komento ni Mavy na anilaý tila nagseselos daw ito kay Darren.

Ilang namang girl at pa-gurl ang nainggit dahil ang haba raw ng hair ni Kyline dahil pinag-aagawan siya ng dalawang lalake.

Leave A Reply

Your email address will not be published.