Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zanjoe ‘di na-hurt kay Bea

0 204

Sa ikalawang bahagi ng Sagot o Shot challenge ng vlog ni Zanjoe Marudo kasama sina LA Tenorio at Yubs Azarcon, tinanong ng difficult questions ang actor.

Isa sa mga natanong kay Zanjoe ay kung sino sa mga nakasama nila sa trip o naka-collab ang hindi niya gusto ang ugali.

Tumanggi naman ang actor na sagutin ang nasabing incriminating question kaya nag-shot na lang siya ng alak.

Sa personal question naman, tinanong siya ng basketbolistang si LA kung kanino sa lahat ng ex niya, labis siyang nasaktan.

Nagbigay naman ng clue ang komedyanteng si Hyubs at sinabing makipag-collab daw kaya ito sa ex dahil isa na rin itong Youtuber.

Hirit naman ni LA, mahilig daw ang nasabing ex na magpaubaya.

Dahil dito, naging guessing game sa netizens ang lahat.

May mga nanghulang wala raw iba ito kundi ang movie queen na si Bea Alonzo.

Nagdagdag naman ng clue si LA at aniya, sa pagkakaalam niya, tatlo lang naman ang pagpipilian, meaning tatlo lang naman ang naging girlfriend ng actor.

Sa huli, humirit naman si Zanjoe nang pabiro na: “Hindi nga nila alam na naging girlfriend ko iyon.”

Sa rebelasyon niyang ito, nagkamali ang hula ng dalawa at sa pangyayaring ito, ilang netizens ang napa-react.

Ibig sabihin, hindi masyadong nasaktan ang actor sa breakup niya noon kay Bea dahil mas naging apektado ito sa tinutukoy niyang nobya na hindi alam ng publiko.

Sa huli, wala ring tinumbok ang actor kung sino ang kanyang tinutukoy.

SM food to go Banner Ad

Ang mga babaeng na-link noon kay Zanjoe ay sina Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez, Bea Alonzo at ang surfer-model na si Josie Prendergast.

Sofia keber sa mga basher

Naging panauhin ni Kathryn Bernardo ang isa sa best friends niya sa showbiz na si Sofia Andres sa kanyang vlog na TGIS.
Sa kanilang tsikahan, na-disclose na si Kath pala ang isa sa mga unang nakaalam sa pagbubuntis ni Sofia courtesy of his boyfriend and now partner Daniel Miranda.

Ani Sofia, kay Kathryn daw niya ito isinabi dahil isa sa mga aktres sa mga iilang close sa kanya.

Bilang isang introvert, hindi raw siya ganoon karami ang kaibigan.

Hirit pa niya, namimili lang daw siya ng kaibigan na mapagkakatiwalaan dahil mas importante sa kanyang ang kalidad kesa rami ng mga kaibigan.

“You’re the most genuine I know,” ani Sofia. “Have you heard someone I’m close with? Kasi parang wala. In the long run, may mga tao pa rin naman na mag-reach out sayo kahit di na kayo mag-usap, and ikaw yun,”dugtong niya.

Upang patunayan naman na karapat-dapat siya sa pagtitiwala ni Sofia, never daw niyang ibinalita sa ibang tao ang pagbubuntis ng una.

Ayon kay Sofia, noong nagbuntis daw siya, mixed emotions daw ang naramdaman niya pero nagpapasalamat siya sa unconditional love at support ng kanyang partner na si Daniel na hindi siya iniwan kailanman.

Malaki rin daw ang naging suporta sa kanya ng kanyang pamilya at maging ng pamilya ni Daniel.

Alam daw niya na maba-bash siya noon dahil sa edad na 21 ay naging ina na agad siya sa kabila ng kanyang umaarangkadang showbiz career.

Aniya, keber na raw siya sa mga basher lalo pa’t napapalibutan siya ng mga taong nakakaintindi at nagmamahal sa kanya.

Bilang ina, malaki raw ang ipinagbago niya dahil kung dati rati sarili lang niya ang iniisip niya pero ngayon, lahat daw ng gagawin niya ay iisipin muna niya ang kapakanan ng kanyang baby Zoe.

Leave A Reply

Your email address will not be published.