Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zanjoe ididirek ni Bela

0 128

NI: VINIA VIVAR

Ang ganda naman ng pasok ng 2021 kay Bela Padilla dahil may balitang direktor na ang aktres at directorial debut niya ang pelikulang 366 (working title) na interestingly ay si Zanjoe Marudo ang isa sa bida.

Ipinost ni Zanjoe kahapon sa IG Story ang script ng 366 at makikita dito ang pangalan ni Bela under the title. Caption ng aktor, “first bubble for 2021 in 3, 2, 1..” Apparently ay nagsimula na ang shooting nila.

Medyo intriguing nga lang ang pagsasama ngayon nina Bela at Zanjoe as direktor and actor dahil matatandaang na-link sila before nang magkatrabaho sila sa ABS-CBN series na My Dear Heart in 2017.

Ang tagal ding hindi mamatay-matay ang tsismis sa kanila and marami ang nagsasabi na talagang nagkaroon sila ng “something”. Pati ang mga kaibigan nila sa showbiz ay tinutukso sila that time.

Pero in the end, hindi nagtuloy sa isang relasyon ang kanilang closeness.

Ngayong magkasama sila sa isang pelikula at si Bela pa ang director. Nakakatuwang makita kung paano sila sa shooting. Ready na kaya silang magkatrabaho ulit pagkatapos ng naudlot nilang relasyon?

Leave A Reply

Your email address will not be published.