Abante Tonite Interactive

Zanjoe, Josie naispatan sa HK

565

Spotted diumano si Zanjoe Marudo at ang rumored surfer girlfriend nito na si Josie Prendergast sa Hong Kong.

Kasama ang mga kaibigan ng aktor na sina Kean Ciprano, Chynna Ortaleza at Angelica Pa­nganiban.

Magkakasama sila sa larawan na ibinahagi ni Kean sa kanyang Instagram. Enjoy na nag-out of the country trip ang magkakaibigan matapos ang kanilang daytime series na “Playhouse.”

Matatandaan na noong May 2018 naunang nakitang magkasama ang surfer na si Prendergast kasama si Zanjoe. At noong July, 2018 ay umamin ang aktor na kinikilala na nila ang isa’t isa.

Bagama’t madalas magkasama ay hindi pa inaamin ng aktor ang totoong namamagitan sa kanila ngayon. ­(Ronaline Avecilla)