Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zanjoe , Paulo nagkapikunan sa sulutan

0 512

Sa kabila ng masalimuot na paghahanap sa isang bata, aapaw ang selos at inggit sa isa’t isa ng mga karakter nina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Arci Munoz, at Angelica Panganiban sa ABS-CBN teleseryeng “Walang Hanggang Paalam.”

Nagkakapikunan na nga ang dalawang lalaki sa buhay ni Celine (Angelica) kahit iisa ang hangarin nilang matagpuan ang nakidnap na si Robbie. Habang kumakapit si Celine sa pangako ni Emman (Paulo) na gagawin nito ang lahat para mailigtas ang anak nila, hindi naman mapigilan ni Anton (Zanjoe) ang magselos sa dating kasintahan ng nobya.Feeling niya ay nangangamoy sulutan.

Simula lamang ito ng titinding paligsahan sa pagitan ng dalawang lalaki, dahil mag-aagawan silang dalawa sa tiwala ni Celine. Hindi naman papayag si Anton na makalamang ang kalaban, at walang pagod na ipapakita kay Celine na siya ang mas nagmamalasakit sa bata.

Napapanood na ang bagong episodes ng “Walang Hanggang Paalam” sa A2Z channel 11 analog TV gabi-gabi ng 9:20 PM .
Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Leave A Reply

Your email address will not be published.