Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zanjoe sinabihang matanda na si Sue

0 155

Aminado si Sue Ramirez na matagal na niyang crush si Zanjoe Marudo. Hindi pa raw siya artista ay iniidolo na niya ito at nang maging artista siya ay nakasama niya ito sa seryeng Annaliza.

Ngayon ay leading man na niya si Zanjoe sa upcoming Kapamilya series na The Broken Marriage Vow.

“Alam n’yo naman po, noon pa man, ang showbiz crush ko ay si Zanjoe. So, kung tatanungin n’yo po ako hanggang ngayon kung sino ang showbiz crush ko, hindi po nagbago ‘yun,” sabi ni Sue sa digital mediacon ng A Broken Marriage Vow.

Dagdag pa niya, “napakatorpe ko pong klase ng tao. Pag crush ko po ang tao, natotorpe po talaga ‘ko at alam naman siguro ‘yan ni Z.”

Kuya raw ang tawag niya kay Z pero pinagbawalan daw siya nito.

“Pag nakatalikod siya, kuya pa rin ang tawag ko sa kanya. Hindi mawala ‘yun. Of course, I’ve worked with him sa Annaliza at kuya-kuya ko siya do’n. So, hindi nawala ‘yung respeto at ‘yung image na ‘yun for me.

“But kapagka kami lang ang nag-uusap, doon ko lang siya tinatawag na. . . (sa pangalan). Sabi niya sa akin, hindi ko na raw siya pwedeng maging crush kasi matanda na raw ako (sabay-tawa).

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Tapos, na-realize ko na ‘oo nga, 25 na nga ako, parang okay pa ba ‘to na happy-happy crush ‘yung sabi ko pero alam n’yo naman pong lahat na iba po ang paghanga ko talaga kay Zanjoe.

“And bata pa lang ako, hindi pa ako artista, siya na talaga ang showbiz crush ko. Kahit sabihin niya sa akin na bawal, wala na siyang magagawa,” sey ni Sue.

Ginagampanan ng aktres sa TBMV ang papel na Lexy Lucero na mistress ng karakter ni Zanjoe. At dahil nga crush niya si Z, hindi raw naging mahirap sa kanya ang i-desire ang aktor.

“Siyempre, may mga emosyon tayo na hindi natin pweden pigilan, guys. So, dahil crush ko si Z, kailangan kong i-channel ‘yung mga emotion ng kilig, di ba?” aniya.

“At nakatulong po talaga na crush ko siya kasi hindi na mahirap sa akin na i-desire siya,” dagdag pa ni Sue.

Mapapanood na ang kaabang-abang na pagganap ni Sue bilang si Lexy sa “The Broken Marriage Vow” ngayong Enero 22 sa iWantTFC, dalawang araw bago ito ipalabas sa TV. Subaybayan ito simula Enero 24, 8:40 PM sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page, at TFC.

Kasama rin sa cast ng “The Broken Marriage Vow” sina Jane Oineza, Angeli Bayani, Bianca Manalo, Ketchup Eusebio, Rachel Alejandro, Art Acuña, Empress Schuck, Joem Bascon, Brent Manalo, Malou Crisologo, Franco Laurel, Sandino Martin, Lao Rodriguez, Jet Gaitan, Jie Anne Armero, Migs Almendras, Avery Clyde, at JB Agustin, kasama ang special participation nina Susan Africa at Ronnie Lazaro.

Kinunan nang buo sa Baguio ang “The Broken Marriage Vow” sa direksyon nina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.