Abante Tonite Interactive

Zanjoe sinapawan si Anne

0 547

NI: VINIA VIVAR

Nakakatuwa naman ang kuwento ni Zanjoe Marudo tungkol sa experience niya sa kanyang first project paglabas niya ng Pinoy Big Brother. Ang unang offer daw kasi niya agad ay Maalaala Mo Kaya agad, kasama si Anne Curtis.

“’Yun, buong araw kong sinasapawan si Anne sa camera kasi nga, hindi ko alam ‘yung may camera pala sa likod, hindi pala siya makikita.

“Tapos may iyakan scene kami, tatlong oras nag-aantay si Anne. Sabi niya, ‘hindi pa ba tapos?’ sabi niya, ‘kanina pa ako dito’,” natatawang kwento ni Zanjoe.

Pero masuwerte naman daw siya dahil sa first movie niya ay si direk Cathy Garcia-Molina agad ang direktor niya at marami raw siyang natutunan dito.

“Pelikula ‘to ni Sam Milby saka ni Toni Gonzaga, nag-support ako sa kanila, tapos ‘yun, ang dami ko agad natutunan after na gawin ang isang pelikula ‘yun dahil nga syempre, alam naman natin kung gaano kagaling si direk Cathy sa paggawa ng mga rom-com,” sey ni Z.

Turning point sa career ng aktor ay nang mag-take siya ng risk na tumanggap siya ng father role kahit bata pa siya. Tinanggap niya ang Anna Liza kung saan ay tatay siya ng karakter ni Andrea Brillantes.

“Nun’g parang ang dami-dami nang leading men sa ABS-CBN, ‘di na malaman kung sino ang bibigyan ng next teleserye, siyempre ang dami namin sa generation namin. Tapos minsan, matatagalan ka pa.

“Nag-take ako ng risk, tumanggap ako ng isang project na nag-tatay role ako na wala pang masyadong gumagawa sa kasabayan ko.

“Siyempre, sa umpisa, natatakot ako na baka tumanda agad, eh bata pa ako noong time na ‘yun. Tapos, hindi uso, walang gumagawa pa sa mga ka-age ko,” kwento ni Z.

Good thing, maganda raw ang naging outcome at aniya, “parang mas napansin ka na parang ‘o, pwede ka pala, pwede ka pala kahit ano,’ parang ganu’n, parang mas humahaba ‘yung buhay mo ‘pag may napapakita kang iba.”

Tonite – Wendys Inhouse Ad