Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zanjoe type sapakin si Pooh

0 92

Sa vlog ng D’Lazy Road Trip, sumalang sa Never Have I Ever challenge si Zanjoe Marudo kasama ang mga kaibigang sina LA Tenorio at Yubs Azarcon.

Isa sa mga naitanong sa Kapamilya actor ay kung nasubukan na raw ba niyang mag-send ng nude photo using his social media account sa isang prospect.

Sey ni Zanjoe, never pa raw niyang ginawa iyon although pabiro niyang sinabi na malamang ay nude video ang naipadala niya.

Sa tanong naman kung mahilig siyang manood ng porn, ani Zanjoe, mas type raw niyang manood ng R-rated films kesa porn.

Hindi naman niya ikinaila na noong bata pa siya, may pagkakataong nadumi siya sa kanyang salawal.

May mga pagkakataong nautot din daw siya pero minsan ay sinisimplehan lang niya para di halata.

Speaking of foul smell, hindi raw niya malilimutan ang madalas na gawin sa kanya ni Pooh na nakasama niya noon sa Banana Sundae at maging sa shows abroad.

Mahilig daw magkamot ng puwet si Pooh at pagkatapos ay lalapit sa kanya para ipaamoy ang kamay nito.

Sa ‘in your face’ na ginagawa raw ni Pooh, nasusulasok daw siya sa baho.

May mga beses nga raw na gusto niya itong sapakin pero hindi raw naman niya gagawin dahil kaibigan niya ito at alam niyang pinagtritripan lang siya nito.

Heart, Jericho balik-tambalan okey kay Chiz

Sa ikalawang bahagi ng vlog ni Karen Davila na tampok sina Heart Evangelista at Chiz Escudero, natanong kung okey ba sa kanya pag sakaling ipapareha ang misis niya sa ex na si Jericho Rosales,

Ani Chiz, napag-usapan na raw nila ni Heart ang bagay na ito nang maraming beses.

Aniya, kung makakatulong daw ito sa karera ni Heart, hindi raw niya ito hahadlangan.

“It’s up to her. If it will help her, if it will make her grow. Again, hindi ako selosong tao,” paglilinaw ni Chiz.

Hirit pa ni Chiz, feeling daw niya ay sobrang secure siya sa Kapuso actress at vlogger.

Pagbabahagi naman ni Heart, siya raw ang na-insecure noon dahil kapag may functions silang pinupuntahan, pinipilahan daw ng mga babae si Chiz.

Bukod sa intelihente raw kasi ang mister, meron itong irresistible charm sa mga babae.

May pagkakataon nga raw na feeling niya ay may gustong makipag-flirt sa mister pero ngayon daw ay naia-assert na niya ang kanyang karapatan bilang Mrs. Escudero.

Leave A Reply

Your email address will not be published.