Abante Tonite Interactive

Zanjoe type si Angel

By
930

tonite-this-is-it-roldan-castro“Nakaka-fresh, nakakaganda” deklarasyon ni Angelica Panganiban ‘pag tinatanong ang estado ng lovelife niya ngayon.

Pero natawa siya nang i-link siya sa leading man niya sa ‘Playhouse’ na si Zan­joe Marudo. May nagsabi kasi na type din siya ni Zanjoe.

Anyway, panibagong feel good drama ang siguradong maghahatid ng saya at kilig sa bawat pamilya tuwing umaga sa pag-uumpisa ng “PlayHouse”. Magsisimula ito ngayong Lunes (Setyembre 17) sa ABS-CBN.

Iikot ang “PlayHouse” sa temang “love is a choice” — kagustuhan ng isang taong manatili sa relasyon, ngunit puwede rin itong magbago.

Ilalahad ito ng mga karakter nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo na sina Patty at Marlon — dalawang magkasintahan na kalaunan ay nauwi sa kasalan ang relasyon. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, agad ding naputol ang inaakala nilang walang hanggang pagmamahalan.

Bukod naman sa sayang hatid ng pagsasama nina Angelica at Zan­joe, magdadala rin ng matinding kilig ang bagong tambalan nina Kisses Delavin at Donny Pangilinan. Kasama rin sa “PlayHouse” sina Kean Cipriano, AC Bonifacio, Ariella Arida, Dexter Doria, Nadia Montenegro, Ingrid Dela Paz, Jomari Angeles, Malou De Guzman, Smokey Manaloto, at Maxene Magalona.

 

Andrea sanay sa aksyon

 

Marami sa mga manonood ngayon ang pumupuri kay Andrea Torres na siyang gumaganap na si Sif sa well-loved series ng GMA na Victor Magtanggol.

Kapansin-pansin kasi ang husay ng Kapuso actress sa kanyang mga fight scene.

Kuwento ni Andrea ay masaya siya sa mga ganitong eksena dahil ito naman talaga ang nais niyang gawin noon pa man. Dagdag pa niya, challenging pero fulfilled at the end of the day ang nararamdaman niya. Given this, ano pa ka­yang mga pasabog ang ihahandog ni Andrea sa atin sa Victor Magtanggol?