Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zanjoe wish nabuntis si Angelica

0 476

Sa kanyang recent YouTube vlog ay in-address ni Zanjoe Marudo ang tungkol sa pagkaka-link nila ni Angelica Panganiban.

Sa naturang vlog ay nagkukuwentuhan at nag-iinuman sila ng komedyanteng si Hyubs at isa nga sa napag-usapan nila ang leading lady sa ABS-CBN series na Walang Hanggang Paalam.

Tinukso ni Hyubs si Zanjoe nang banggitin nito si Angelica at kwento ng komedyante, ang dami raw nagtatanong sa kanya kung totoo nga ang issue.

Sey ni Zanjoe, “nagulat din ako sa issue na ‘yan, eh. Sa YouTube, no?”

Dagdag pa niya, “pwede ba ‘yun? Hindi ka ba madedemanda sa ganu’n, ‘yung nag-iimbento ka ng mga kung ano-anon’g palabas?”
Natawa naman kami sa sinabi ni Hyubs na ang YouTube na raw ngayon ang makabagong tabloid.

Anyway, once and for all ay nilinaw ni Zanjoe na walang katotohanan na nagkakamabutihan sila ni Angelica in a romantic way.

“Mabuti kaming magkaibigan talaga nun’g tao,” aniya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi naman ni Hyubs, “may balita pa nga, na-tesbun (nabuntis) mo, eh.”

Natawa si Zanjoe. “Grabe, no?” Paano kaya nila nalaman?” reaksyon niya.

Pero ang nakakalokang hirit ng aktor, “gusto ko nga, totoo na lang, eh.”

Umayon naman si Hyubs at sinabing nasa tamang edad na raw si Z para magkaroon ng pamilya.

“Gustong-gusto mo na rin kasi, eh, no?” sey ni Hyubs.

Umoo naman si Zanjoe at nagbiro, “kung sino’ng mga ano dyan, kung sino’ng gustong mag-pamilya diyan, comment below, lagay n’yo na rin address n’yo. Ang maio-offer ko lang ay simpleng buhay, free wifi, tapos may aso akong mabait. ‘Yan lang ang pwede kong i-offer.”

Recently ay may tsikang break na raw si Z sa kanyang model-surfer girlfriend na si Josie Prendergast at sa malas ay totoo nga ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.