Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zara, Isko take 3 sa TikTok

0 147

NI: ROLDAN CASTRO

Bongga ang Viva Hot Babe na si Zara Lopez dahil nakasama niya si Yorme sa TikTok.

“Thank you so much Mayor napagbigyan mo ko makasayaw ka❤️ Ang bait, cool and Ang pogi mo Mayor Isko Moreno Domagoso,” post ni Zara sa kanyang Facebook account.

In-approach mo ba si Yorme na mag-collab?

“Yes po. Pinuntahan namin sya sa office kasama yung mga sikat na influencers sa TikTok,” tugon ng aktres sa aming text-tsika.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Game na game niyang ginawa ‘yung TikTok .Gusto raw niyang mapasaya ‘yung mga tao kahit papano sa stressful na life na nararanasan natin ngayon pandemic,” dagdag pa ni Zara.

Take 1 lang ba si Yorme?

“Naka- 3 take po kami kasi gusto n’ya perfect magawa ‘yung steps,” tsika pa niya.

Katatapos lang ni Zara ng seryeng “Ikaw ay Akin” ng Net 25.

Rumaratsa rin ang negosyo niya na Sweet Reece’s peanut butter, no sugar peanut butter, at yema spread.

May bago rin siyang endorsement ngayon. Kinuha raw ang Tiktok group nila para sa bagong company na Parcelco.Kinuha silang ambassadors ng pinakabagong padalahan ng mga parcels.

Leave A Reply

Your email address will not be published.