Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zara kinabahan kay Xerex

0 81

NI: ROLDAN CASTRO

Naghuhumindig ang kariktan ng Viva Hot babe na si Zara Lopez bilang dyosa sa xerex.ph.

Kakaiba ang sensasyon na hatid niya sa mga kalalakihan dahil sa pagbabasa ng mga sexperience na padala kay Xerex.

Ano ang feeling niya sa pagti-taping nito?

“Mix emotions! Excited and nervous at the same time, kasi siyempre I need to deliver stories to my audience ng maayos ‘yung mararamdaman nila sa kinuwento ko,” pakli niya.

Ano ang reaksyon niya na isa siyang Xerex’s Sex Goddess? “ It’s normal feelings lang, its just a title lang naman, aniya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi naman daw siya nagdalawang isip na tanggapin ang nasabing proyekto.

“ I always think all the projects na dumadating sa akin, ‘yung sa Xerex i accept it kasi trabaho lang nman ito! It’s entertainment lang naman! and isa ito sa trabaho ko bilang artista,” lahad pa niya.

“I just enjoyed reading and telling stories to my audience and ill make sure na nabibigyan ko ng buhay ‘yung binabasa ko,” dagdag pa niya.

Kilala ba niya si Xerex Xaviera? “I wish I know him well, I heard Xerex but i don’t have full idea. Alam ko nasa diaryo siya,” sambit pa ni Zara.

Samantala, bukod sa showbiz at pagrereyna sa xerex.ph lumalago rin ang kanyang negosyo na Sweet Reece’s peanut butter, no sugar peanut butter, at yema spread.

Leave A Reply

Your email address will not be published.