Abante Tonite Interactive

Zara Lopez nakulong sa Japan

By
1,796

Nakatsikahan ng ‘Tambayan Ng Tsika Tonite’ ang dating Viva Hot Babes na si Zara Lopez kamakailan. Napapanood ang tsikahang ito sa Abante Tonite Online, Facebook Page at YouTube Channel ng Abante Tonite.

Maraming nadiskubre ang Tonite sa sexy-actress kung saan habang ininterbyu namin siya ay ‘di niya napigilang umiyak.

Tatlo kaming nakaharap kay Zara – myself, Nonie Nicasio at Abante Tonite Editor Roldan Castro.

Ayon sa sexy-actress napasok siya sa showbiz nu’ng maging dancer sa programa ni Willie Revillame, ang “Magandang Tanghali Bayan”.

TnT Tonite: Paano ka napasok sa Viva Hot Babes?

Zara: “’Nu’ng nawala na ‘yung ‘MTB’ nag-decide ako na maging Viva Hot Babe. Tinawagan ko si Katya Santos kung pwede akong maging miyembro ng VHB. Umoo si Kat at pinakilala niya ako kay Boss Vic del Rosario.”

TnT Tonite: Nag-audition ba siya?

Zara: “Hindi na ako pinag-audition ni Boss Vic. Nakita naman kasi niya ang energy ko… kaya napasok ako agad…

bale pang-third batch na ako, pero nakahabol naman.”

NAKILALA SA ‘FPJ’S ANG PROBINSYANO’

TnT Tonite: Napasok siya sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. How was it working sa ‘Ang Probinsyano’?

Zara: “Okey silang lahat… ang babait nila… wala ka­ming nararamdamang bigat na katrabaho sila. Sobrang gaan sa set… sobrang saya.. nagkukulitan after ng trabaho. Lahat masaya.”

TnT Tonite: Ano ang naitulong sa kanya ng “Ang Probinsyano?”

Zara: “Malaki. Sa Viva Hot Babes kasi ako ‘yung walang name. Kaya nang napasok ako sa ‘Probinsyano’ proud ako. 

Nakatutuwa nga ang reaksyon nila. Sasabihin nila… hala… ang seksi-seksi mo pala. Aaminin ko… ako ‘yung walang ‘pangalan’. ‘Yung hindi pa gaanong kilala sa showbiz… kaya kailangan kaya ko silang pantayan.”

Pag-amin pa ni Zara na mas nakilala siya sa “Ang Probinsyano” kesa nu’ng nasa Viva Hot Babes siya.

TnT Tonite: (Umiiyak na si Zara habang sumasagot) Bakit nagiging emosyonal ka na?

Zara: “‘Pag wala ka ka­sing pangalan parang la­ging naisasantabi ka. ‘Yun ang nararamdaman ko. Kapag sa mga event na ang mga nakakasama mo may mga pangalan… nababanggit nila ang pangalan… pero ikaw hindi nila mababanggit… masakit sa pakiramdam ‘yun. Kaya very thankful ako sa ‘Ang Probinsyano’ kasi binigyan nila ako ng chance. I’m very proud kasi ‘Ang Probinsyano’ ‘yun at si Coco Martin pa ang nakasama ko. Nagpapasala­mat din ako kay Jobert Austria kasi siya ang nagrekomenda sa akin kay Coco.

KARANASAN SA JAPAN

Inilahad din ni Zara sa ‘Tambayan ng Tsika’ ang kanyang karanasan sa Japan.

Zara: Pabalik-balik akong nagso-show sa Japan. (Biglang tumulo ang luha ng sexy-actress). May nangyari sa akin diyan. Pero, naka-move on na ako. Mahal ko ang Japan.”

Kinuwento ni Zara ang hindi niya malilimutang pangyayari sa Japan.

“Nakulong ako sa Japan. One-and-a-half month. Doon ako nagwo-work, pero wala akong working visa. Nakasampung balik ako nang may magsabing may naiinggit daw sa akin.

“Sa ika-10 kong balik, parang may nag-set-up sa akin. Umaga, natutulog pa ako nang may kakaibang katok sa bahay.

Ibang klase ang katok na halos magiba ang pinto. Pagbukas ng pinto may hina­hanap silang Zara. Hindi nila alam ang real name ko na Rachelle, kaya naisip ko na ah… eto na ‘yung sinasabi nila.

“Dinala ako sa presinto at ininterbyu. Magaling ang Japan… sigurado sila sa sinasabi nila. Under investigation daw ako. Eh, kinabukasan na ‘yun pauwi na ko sa Pilipinas. Hindi ko napigilang umiyak. Kasi iniisip ko ang pamilya ko… ang anak ko. Susundo sila sa airport, tapos magtataka sila bakit wala ako.

“Nakiusap ako sa police na tatawag lang ako o magmi-message, pero hindi nila ako pinayagan. Doon naramdaman ko na ang bigat… down na down… lalo pa nag-iisa lang ako.

“Pinosasan na nila ako at tinalian sa baywang. Sinakay sa elevator. Du’n hindi ka nakaharap kundi nakatalikod.

“‘Pag nasa matindi kang problema isa lang ang kakapitan mo… si Lord. Ang bait Niya sa akin. Binigyan Niya ako ng sign. ‘Yun parang may nagbulong sa akin na kaya mo ‘yan… makalalabas ka.”

Marami pang mga rebelasyon si Zara na inyong malalaman. Panoorin ang kabuuang interbyu ng “Tambayan ng Tsika” Tonite sa Abante Tonite Facebook Page, Abante News Online Facebook page, Abante Tonite Youtube channel at sa website na tnt.abante.com.ph.