Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zara palaban sa TikTok

0 518

NI: ROLDAN CASTRO

Kaaliw ‘yung TikTok ng Viva Hot Babe na si Zara Lopez sa deparment store. Kahit maraming tao palaban at kapalmuks na sumayaw.

“Ha!ha! ha! Opo tito walang magawa lakasan ng loob kahit madaming tao,” sambit niya nang maka-chat namin.

Challenge ba ‘yung mag-TikTok sa maraming tao?

“Ganun kasi ‘yung nag-trending sa Tiktok , ‘yung maraming tao tapos magsasayaw ka at wala kang pakialam sa paligid. Ayun trending na sya sa TikTok ko, 100 thousand plus views na kaagad in 2 days,”pakli niya.

May kita ba sa TikTok?

“Hhmmmm. Meron po Tito .May mga star ng TikTok like sina Charlie Damelio at Addison Rae, sila ‘yung malaki na ang kinikita,” saad pa niya.

Napadako ang usapan namin sa Viva Hot Babes.kamailan ay may nakita kaming post na may pictorial sila. Ang caption pa nga niya ay “Binibining Marikit ng 90’s. Aminin nyo yan haha.”

May reunion project ba sila?

“Sa AOmnl na pictorial ‘yun. Parang FHM na nasa online na,” paglilinaw niya.

“Pero, may lalabas kami na reunion video ng Hot Babes. Sinayaw namin Bulaklak,Kikay at Basketball,” dagdag pa ni Zara.

Anyway, abala rin siya sa kanyang negosyo na Sweet Reece’s peanut butter, yema spread, Chicha Pop!!!, banana chips .

Leave A Reply

Your email address will not be published.