Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zara sanay gumapang

0 104

NI: ROLDAN CASTRO

Palaban sa hamon ng buhay ang Viva Hot Babe na si Zara Lopez. Marami siyang pinagdaanan sa buhay pero nakatayo pa rin.

Hindi niya iniinda ang mga pagsubok dahil sanay siyang gumapang.

Kahit sa showbiz career niya ay may mga nakakadismaya siyang karanasan pero ginagawa na lang niyang positibo ito.

“Supposedly meron akong project yung movie. Pero sad to say nawala ‘yung character ko sa movie dahil kinapos daw po sa budget.

“Nakakalungkot at first po kasi inaasahan ko ‘yung project na ‘yun. Nag-ready po ako talaga at nag-diet para sa sexy scenes ko sa movie na yun.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Iniisip ko na lang po na pag may no si Lord at hindi para sa ‘yo ‘yung project siguro po may mas better plan Siya for me.

“O, baka ayaw nya na po akong magpa-sexy pa ulit. Ganoon na lang ang iniisip ko para di po ako masyado malungkot,” sambit niya.

Pero grateful siya na may mga endorsement siyang natatanggap sa TikTok. Lumabas din ang video niya kamakailan sa Relumins.

Anyway, humahataw pa rin ang negosyo ni Zara na Sweet Reece’s peanut butter, no sugar peanut butter, at yema spread.

“Minsan iniisip natin na hindi natin kaya ‘yung laban ng buhay. Pero pag naiisip mo na si Lord na alam natin na di tayo pababayaan. ‘Yun ‘yung mas nagpapatibay sa atin para lagpasan at labanan ang hamon ng buhay! Fight ,” saad pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.