Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zara sariwa

0 247

NI:ROLDAN CASTRO

Nagpa-fresh si Zara Lopez sa kanyang bakasyon. Kitang-kita ang kasariwaan niya sa kanyang pictorial sa Batangas.

Preparasyon din ito para sa nalalapit niyang serye sa Net 25. Bagamat sa Nov. 28 magsisimula ang ‘Ang Daigdig Ko’y Ikaw” na pagbibidahan nina Geoff Eigenmann at Ynna Asistio, may season 2 na. Dito makakasama sina Zara, Meg Imperial at Fabio Edi.

Masayang-masaya ang seksing aktres sa binigay na trabaho ng Net 25. Unang punta nila sa istasyon binigyan na sila agad ng proyekto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ginagawa raw po nila ito dahil alam nila na maraming artista ang apektado, na nawalan ng trabaho. Sobrang happy po kasi ‘yung concern po nila sa mga artista at support nila, naramdaman ko talaga. Ang bait-bait nila po sa Net25,” lahad niya.

Malaking bagay raw ito ngayong pandemya na may trabaho siya dahil umasa lang siya sa kanyang negosyo nu’ng lockdown.Binigyan daw siya ng pagkakataon makabawi at makapag-ipon ulit.

Anyway, mabenta pa rin ang kanyang negosyo na

Sweet Reece’s na mayroong peanut butter ( regular at lite). Patok din ang kanyang yema spread. Meron din siyang Chichapop .

“ ‘Yung spreads ko po na business sobrang sinalba po ako. Kung wala akong negosyo hindi ko na po alam kung gaano ako ka-stress sa mga bills ko .Ilang buwan na walang pumapasok na income sa showbiz,” sey pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.