Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zarate: Meralco dikdikin pa sa `bill shock’

0 77

Nanawagan ang isang mambabatas sa liderato ng Kamara na ituloy ang imbestigasyon kaugnay ng umano’y overcharging na ginawa ng Meralco noong nakaraang taon.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, ginawa ng House committee on energy ang pagdinig noong ito ay pinamumunuan pa ng ngayon ay Speaker Lord Allan Jay Velasco.

Ang komite ay pinamumunuan na ngayon ni Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo.

“If there are indeed overcharges, these should immediately be refunded to consumers as we work out ways in the legislature to ensure that overcharging would not happen again,” ani Zarate.

Nag-ugat ang imbestigasyon sa House Resolution No. 879 na inihain ng Makabayan bloc matapos na biglang sumirit ang presyo ng kuryente sa umpisa ng lockdown na tinawag ng mga kustomer nito na `bill shock’. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.