Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zarate walang K magpaaral ng anak sa Poland – Digong

0 132

Hinayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang financial status ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na nagpapaaral ng anak sa Europa.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na niloloko ni Zarate ang publiko nang sabihing galing sa lola ng kanyang anak ang ginagastos sa pag-aaral nito sa Poland.

Tiningnan aniya ng gobyerno ang kakayahang pinansiyal ng ina ng kongresista at hindi nito kayang magpaaral sa ibang bansa.

SM food to go Banner Ad

“Baka sabi mo talaga maloloko mo ang Pilipino. Ang lola mo tinignan namin ang ano, matanda na wala namang propedad, walang income. You are pulling everybody’s leg. Huwag mo kaming bolahin,” anang Pangulo.

Posible aniyang ang ginagastos ni Zarate para rito ay mula sa perang kinokolekta ng New People’s Army sa mga tao at mga negosyante.

Tinanggi naman ito ni Zarate, aniya ang lahat ng gastusin para sa pag-aaral ng kanyang anak ay isang mula sa tapat at lehitimong source.

“His tuition, board and other expenses were mainly sponsored by relatives residing abroad. His mother, a lawyer, and I also supported him within our means of income. The expenses for his studies and upkeep came from honest and legitimate sources.” (Aileen Taliping /Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.