Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zeinab bagong baby ni Rhea; lodi sa mabangong hininga

0 47

Bongga si Zeinab Harake dahil siya ang unang pasabog ng Beautéderm Corporation sa kanilang month-long 13th anniversary celebration .

Opisyal na siyang nilunsad bilang oral care brand ambassador sa pamamagitan ng Koreisu Family Toothpaste at Etré Clair.

May K naman ang social media influencer na ito na mapasama sa Beautederm family.Isa siyang certified star na may humigit na 50 million na followers across such platforms gaya ng Facebook, Instagram, TikTok, Twitter, at YouTube. Sinusundan talaga ang kanyang mga lifestyle vlogs at challenge na paborito ng mga netizen.

Proud at happy si Zeinab na opisyal na siyang bahagi ng pamilya ng Beautéderm. “Malaking karangalan ito para sa akin. Ramdam ko ang pagmamahal nila nu’ng sinalubong nila ako,” deklara niya.

“Grateful ako sa tiwala nila sa akin na i-represent ang Koreisu dahil ibang -iba ito sa lahat ng mga toothpaste na ginamit ko dati. Perfect din ang Etré Clair dahil talaga namang fresh na fresh ang breath ko dito at pinoprotektahan pa nito ang aking bibig in an instant. I could really feel that my teeth and gums are fully protected with Koreisu and Etré Clair…nasa next level talaga sila,” lahad pa ni Zeinab.

Ang Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan naman ay excited din na makasama siya sa lumalaking pamilya ng Beautéderm. “Very welcome addition si Zeinab sa aming pamilya at siguradong very instrumental siya para maabot namin ang mas bata at mas malawak na mercado dahil sa kanyang kamangha-manghang platforms,” sambit ni Ms. Rei.

SM food to go Banner Ad

“Zeinab is so genuine and sweet. What you see is what you get. Nakikita ko siya bilang isang masayang baby at ang sarap niyang makatrabaho. I am honored to have her as my newest brand ambassador.”

Si Zeinab naman ay di na makapaghintay sa mga one-of-a-kind adventures kasama ang kanyang Beautéderm family. “Maligayang 13th anniversary kay Mommy Rei at sa aking Beautéderm family. Excited na po akong mag-celebrate ng marami pang anniversaries sa piling ninyo. I am 100% sure that there will be more and more support for Beautéderm and I am honored to be a part of that,” bulalas pa niya.

Anyway, importante para kay Zeinab ang dental at oral health na madalas niyang banggitin sa kanyang vlogs kaya naman swak na swak na siya ang brand ambassador ng Koreisu and Etré Clair. Lodi siya talaga sa maputing ngipin at mabangong hininga.

“Para sa akin, kailangan nating alagaan at i-prioritize ang oral hygiene. Palagi kong pinapaalala sa viewers ng aking vlogs na kailangan nating magsipilyo tatlong beses sa isang araw,” hirit pa niya.

Ang Koreisu ay whitening toothpaste na mayroong activated charcoal na nagtatangal ng mantsa sa ngipin at di kanais-nais na amoy.

Ang Etré Clair naman ay ay mga produkto ng antibacterial mouthwash at mouth spray na bahagi ng all-natural oral care products ng Beautéderm. Pareho silang 100% na organic ang mga sangkap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.