Abante Tonite Interactive

Zero casualty sa pagsalubong sa Bagong Taon

5

Puntirya ng Philippine National Police (PNP) na makamit ang zero casualty sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Para makamit ang zero casualty ay inatasan ng liderato ng PNP ang lahat ng mga pulis na magpatrulya sa kalye at seryosong ­ipatupad ang kampanya laban sa indiscriminate firing.

Hindi patatawarin ng PNP ang mga pulis na magpapaputok ng kanilang baril sa Bagong Taon at titiyaking masasampahan ng kaso ang mga lalabag at sisibakin sa serbisyo.

Abante Hiring – IT dep

May mabigat ding responsibilidad ang mga chief of police dahil mananagot sila sakaling may nangyaring indiscriminate firing sa kanilang nasasakupan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Pagkasibak sa puwesto ang katumbas na parusang haharapin ng mga pabayang hepe ng pulisya.

Kung ganito ang sistemang ipaiiral ng liderato ng PNP, makatitiyak ang publiko ng pagbaba ng bilang ng mga pulis na masasangkot sa indiscriminate fi­ring.

Pero hindi naman lingid sa ating kaalaman na bukod sa mga pulis ay marami pang sibil­yan na may baril ang kadalasan ay nasa likod ng walang habas na pamamaril na nagreresulta ng kamatayan ng ilang inosente ­nating kababayan.

Kaya ang ating panagawan, malawakang pagtutok ang dapat na ipairal ngayong pagsalubong ng Bagong Taon ang ipatupad ng ating pambansang kapulisan upang sa gayon ay wala nang tamaan ng ligaw na bala na bunsod ng kapabayaan ng ilan nating kababa­yan at mismong mga awtoridad.