Abante Tonite Interactive

Zero food waste isusulong ni Bam Aquino

By
0 141

Isa sa mga isusulong ng reeleksyunistang si Senador Bam Aquino sa sandaling muling ma­upo sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ay ang pagpapatayo ng mga food bank sa ilalim ng isusulong niyang zero food waste bill.

Nabatid na naihain na ni Aquino ang panukala ngayong 17th Congress pero hindi umusad matapos dahil naging biktima ito ng fake news.

Tinatakan ang panukala bilang ‘pagpag bill’ kung saan sinabi ng mga kritiko na anti-poor at ang pangunahing layunin umano nito na ipamahagi sa mga mahihirap na Pilipino ay ang mga tira-tirang pagkain.

Ayon kay Aquino, malaki ang benepisyo nito sa bansa dahil ang tunay na layunin ng kanyang panukala ay masolusyonan ang kagutuman at mabawasan ang pagkasayang ng mga pagkain.

“Tuloy pa rin ang ­laban! If re-elected, this will be one of the measures we’ll refile. I think we just need a new name for it… maybe. Hindi po ito pagpag bill. Open to your suggestions,” ayon pa kay Aquino.