Abante Tonite Interactive

Zeus umaming Beks Battalion ni Vice

By
3,021

Hindi mamatay-matay ang chika na kesyo may dyowa si Vice Ganda sa grupong Hashtags na kasamahan nito sa ‘It’s Showtime’.

Ang sabi-sabi ay isa si Zeus Collins sa mga boy toy ni Vice, pero sumusumpa si Zeus na wala talaga silang relasyon ng phenomenal comedian-TV host.

Sey ni Zeus, hindi lang siya kundi pati sina Hashtags Ronnie Alonte and Kid Yambao ay natsi­tsismis din kay Vice, pero hindi na lang nila pinapansin dahil ‘pag magkakasama sila ay good vibes lang at makukulit lang sila.

Sabi pa sa amin ng 25-anyos na binatang magaling sumayaw, maganda ang pakikitungo sa kanila ni Vice at hindi sila binabastos nito.

Normal daw silang magkakaibigan na nag-aasaran at naghaharutan. At sinabi rin sa kanila ‘yon ni Vice na parang kung sino na lang madikit dito ay ganu’n agad ang tsismis.

Ate Vice ang tawag niya sa komedyante at minsan ‘pag magkakasama silang grupo ay binibiro siya nito ng, “Zeus, malaki ba ‘yan?”

Sinasagot niya raw ito ng, “Oo naman, Dakota Harrison, to!” pero kaibigan lang daw talaga at walang malisya. Never din daw silang tsinansingan ni Vice.

Wala rin daw anumang paramdam sa kanya si Vice kahit nu’ng nagsisimula pa lang sila sa Hashtags Kaya ngayon ay malalim na ang pagkakaibigan nila at ang tawag sa kanila ay Beks Battalion dahil para raw silang magkakapatid na si Vice ‘yung malandi nilang sister.

Ang hirit namin kay Zeus, sina Vice at Ronnie ay parang may something talaga, pero sabi niya ay wala raw talaga, as in very close lang.

Eh, paano kung ipagtapat sa kanya ni Vice na may nararamdaman ito sa kanya?

Sagot ni Zeus, “Kung love, okey lang. Nirerespeto ko siya, kasi siyempre, tao lang siya na nagmamahal.”

Pero siyempre, kasama na roon ‘yung sexual desire. Hindi ba niya ito pagbibigyan?

“Ha! Ha! Ha! Iba naman na kasi ‘yon. Puwede ko siyang pagbigyan sa ibang bagay, pero hindi naman siguro sa gano’n.”

Ganern? Meron palang lalaki na tumatanggi kay Vice?

“Meron. Ako ‘yon. Si­yempre, pogi ko, eh! Ang angas eh, ‘no?! Ang pogi ko, eh! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Zeus.

“Basta, hindi siya gano’n ‘pag magkakasama kami. Kahit ako, pinagmamalaki ko ‘yon.”

Ayon pa sa dancer taga-Jalajala, Rizal na produkto ng ‘PBB: 737’ (2015), dati na raw siyang in-offer-an ng pera, kotse at kung anu-ano pa ng mga bading, pero never siyang pumatol.

May nag-alok din daw sa kanyang mag-macho dancer dahil magaling siyang sumayaw, pero hindi niya ginawa.

Hindi raw talaga ka­yang pumatol ni Zeus. Kahit nu’ng panahong gipit na gipit siya, mangungutang na lang daw siya kesa pumayag sa gusto ng mga bakla.

Kaya virgin daw siya sa bading. Maging mga matrona ay wala raw siyang pinatos dahil naiisip niya lagi ang pamil­ya niya. Gagamitin na lang daw niya ang talent sa pagsasayaw.

Masaya si Zeus dahil kasama siya sa fantasy-comedy movie na ‘Wander Bra’ na pinagbibidahan nina Myrtle Sarrosa at Kakai Bautista.

May eksena siyang naliligo sa sapa na naka-sando lang at maong shorts. Actually, keri raw ni Zeus kahit brief lang ang suot niya na ‘pag nabasa ay bakat at aninag ang nota niya, pero ‘yun daw ang pinasuot sa kanya.