Abante Tonite Interactive

Zhang ideklarang undesirable alien

230

Pabor ang abogadong pastor na si Mar Arias, tumatakbong senador sa partido ng Labor Party Philippines na ideklarang undesi­rable alien ang Chinese na nasangkot pagsasa­boy ng taho kay PO1 Willian Cristobal sa isang MRT station.

“Malinaw na pam­babastos sa ating kapulisan ang nangyari kaya nararapat lamang na ideklarang undesirable alien si Jiale Zhang,” ani Arias.
Ang plataporma ni Arias ay wakasan ang endo para sa manggagawa, dagdagan ang benepisyo para sa mga senior citizen at isulong ang bagong saligang batas para sa pedera­lismo.