Abante Tonite Interactive

Zion babakuran ng New Orleans

384

Baka ilang madla pa lang ang mga may alam, New Orleans Pelicans ang unang pipili sa 73rd NBA 2019 Draft sa June 20 (June 21 sa Manila).

Matunog na si Duke star Zion Williamson bilang top pick overall ngayong taon. Announcement na lang at pagsuot ng cap at jacket ng Pelicans ang kulang.

Tapos ng 2019 NBA Draft lottery noong May 14, halos nasigurado na rin na makukuha pa ng New Orleans ang No. 4 overall pick mula Lakers o Knicks para kay Anthony Davis.

Sabado, kumalat ang balita na matutuloy na ang trade sa Lakers – si Anthony kapalit nina Lonzo Ball, Brandon Ingram at Josh Hart at tatlong first-round picks, kasama pa ang No. 4.

Kasama ng draft pick, makakabuo ng young core ang Pelicans.

‘Di pa opisyal na makukumpleto ang trade, July pa.

Pero nabago na ang trade order. No. 1 at No. 4 sa Pelicans.

Pagkatapos ng New Orleans, eto ang order:
Memphis, New York, New Orleans, Cleveland, Phoenix, Chicago, Atlanta, Washington, Atlanta (mula Dallas), Minnesota, Charlotte, Miami, Boston (mula Sacramento via Philadelphia), Detroit, Orlando, Brooklyn, Indiana, San Antonio, Boston (mula Clippers via Memphis), Oklahoma City, Boston, Utah, Philadelphia, Portland, Cleveland (mula Houston), Brooklyn (mula Denver), Golden State, San Antonio (mula Toronto) at Milwaukee.(VE)