Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zion, Brandon tiniris Grizzlies

0 247

Nagsalansan ng pinagsamang 47 points sina Brandon Ingram at Zion Williamson para ihatid ang New Orleans Pelicans sa 109-99 win laban sa Memphis Grizzlies Lunes ng gabi sa Disney World bubble sa Orlando.

Naglista si Ingram ng 24 points, nagdagdag si Williamson ng 23 mula 9 of 21 shooting, 7 rebounds at career high-tying 5 assists.

Inari ni Williamson ang showdown nila ni Rookie of the Year frontrunner Ja Morant.

“I feel alive again,” bulalas ni Zion kay Malika Andrews ng ESPN. “My competitive spirit was there and I’m glad coach (Alvin Gentry) and the whole team trusted me to finish the game out.”

Nirendahan ang minuto ng 2019 No. 1 pick sa unang dalawang laro sa NBA restart, kontra Grizzlies ay pinaalagwa siya at tumagal ng 25 minutes sa loob. Sa fourth quarter lang ay nag-log siya ng 10 minutes.

Nasa attack mode agad si Zion pero maaga rin siyang dinouble-team ng Grizzlies. Dalawa lang ang naipasok niya sa unang pitong attempts. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.