Abante Tonite Interactive

Zion mabibinyagan

289

Tapos na ang paghihintay ng mga miron sa unang laro ni Zion Williamson sa National Basketball Association.

Nakatakdang mag-debut ang top pick ng New Orleans Pelicans sa nakaraang draft ngayong araw. San Antonio ang bibinyag sa kanya.

Sa preseason Summer League, nagka-injury sa tuhod si Williamson at kinailangang operahan.

Ginawa pang katatawanan ni Zion ang sarili sa bisperas ng una niyang laro sa regular season.

Related Posts

“If y’all saw me meditating on the sidelines, it’s been very difficult,” nakangising sabi ni Williamson. “But it’s finally here. I finally get to go back out there.”

Naging Internet sensation ang 6-foot-6, 285-pound high flyer nang lumabas ang video clips ng mga payanig niyang dakdak, haharabas mula kabilang dulo ng court bago liliparin ang hoop. High school pa lang siya noong sa Spartanburg, South Carolina.

Pumasok siya sa Duke, nag-average ng 22.6 points at halos 9 rebounds bago nag-deklara na magpapa-draft na sa NBA tapos ang isang taon sa college.
Unang sinabi na six-to-eight weeks mawawala si Williamson, pero ‘di minadali ng Pelicans ang kanilang prized rookie na habang nagre-rehab ay dismayado na. (VE)

“There’s a lot of times when I wanted to punch a wall or kick chairs because it’s frustrating,” aniya. “To not be able to move your body the way you want to, not to make any athletic movements. I mean, it’s tough. Especially because I’m 19 and I haven’t even played my first NBA game.”
Tapos na ang paghihintay. Gigil naman sa unang laro. (VE)