Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zion panindak ang wankata

0 252

BAD news sa mga gustong sumabay kay Zion Williamson.

Brusko na ang19-year-old, parang gustong iparating na lahat ng haharang ay ipagwawasiwasan.

Habang naka-lockdown at suspendido ang NBA noon pang March, walang ibang ginawa ang New Orleans Pelicans top rookie kundi magpa-kondisyon.

Sa gym na nga raw siya halos tumira.

“Me and my stepdad just found different ways to stay in condition, on-court, off-court, just wherever we could find it,” ani Zion na mag-20 na sa Lunes.

Sa Twitter post ng Pelicans, nawala ang dating taba ni Zion at napalitan ng muscles.

Pumayat siya mula sa dating 284-lb listed weight sa kanyang 6-foot-6 height. Ang bilugang braso, naging maskulado.

Naka-face mask pa si Zion sa tweeted photo ng New Orleans, may nagkumpara sa kanya kay Bane – ang muscleman na kontrabida ni Batman.

“Let the games begin – Bane,” komento ng isa. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.