Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zion umeskapo sa NBA bubble

0 295

Lumabas sa NBA bubble ng Disney World Resort sa Orlando nitong Biyernes (Manila time) si New Orleans Pelicans rookie Zion Williamson sa kadahilanang “urgent family medical matter”.

Ayon sa team statement, inaasahan na babalik din sa bubble ang 20-year-old rookie bago magbukas ang liga sa 31.

“We fully support Zion’s decision to leave the NBA campus to be with his family,” oahayag ni Pelicans basketball operations executive vice president David Griffin.

“Out of respect for the Williamson family, we will have no further comment at this time,” dagdag pa ng opisyal.

Walang ng nabanggit na detalye patungkol sa medical issue o petsa kung kailan babalik sa bubble si Williamson, nag-a-average ng 23.6 points at 6.8 rebounds sa 19 games ngayong season.

“Don’t know anything right now from the standpoint of him coming back,” hirit ni Pelicans coach Alvin Gentry matapos ang team practice.

“Obviously, for us, we’re just very supportive of him and his family, and his privacy during this time right now.” wika pa niya.

Sasailalim si Williamson sa COVID-19 tests at quarantine period bago muling makasama ang kanyang koponan. (JAT)

Leave A Reply

Your email address will not be published.