Abante Tonite Interactive

Zion Williamson ayaw sa Pelicans

419

Alec Paolo Ventocilla

Nanalo nga ang New Orleans Pelicans sa NBA Draft Lottery 2019. Kuha ang first overall pick, at si Zion Williamson ang inaasahang unang pick dahil high school pa lamang at nang freshman year pa lang niya sa Duke University gumawa na ng ingay.

Sa gitna pa lang ng 73rd NBA o 2018-19 season, sinabing malaki ang tsansa ng New York Knicks na makuha ang first overall pick dahil sa record. Pero nitong linggo lang sinuwerte ang Pelicans at nakuha ang pribilehiyo.

Lumabas ang espekulasyon na ayaw ni Williamson sa Pelicans at diumano’y mas gugustuhin pa sa Knicks. Pero maaaring bumalik siya sa college kung kanyang gugustuhin. Bakit? Dahil wala pa siyang agent, at ‘di pa naman pumipirma ng kontrata sa kahit anong brand ng sapatos.

Binasag ng stepfather ni Williamson na si Lee Anderson ang haka-haka at sinabing ‘di nila kinokonsidera ang pagbabalik sa Duke. Dinagdag na, sabik sila sa New Orleans.

Anthony Davis kasama si Zion Williamson? Solid!
***
Laglag na sa playoffs ang Denver Nuggets na tinalo ng Portland Trail Blazers sa Western Confe­rence semifinals na umabot ng Game 7.

Ang Nuggets ang isa ring koponang nanligaw kay LeBron James last season ngunit nabigo. Ayon kay basketball critic Brandon ‘Scoop B’ Robinson, sang-ayon ito kay Stephen A. Smith, may tsansa ngang malipat ng koponan si James, at sinabi ni Brandon na Denver Nuggets ang isa sa posibleng destinasyon.

‘Di man Nuggets ang pinakamalakas na team sa West, marami ang bumilib sa tinakbo ng season nito na umabot pa sa semis playoffs. Ating abangan ang Nuggets kung anong hakbang ang gagawin upang mapa-‘oo’ si James.
***
Kung kayo po ay may reaksiyon o nais itanong, mag-email lamang po sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais ng gabi sa Abante News Online. Maraming­ salamat po!