Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zirkoh, Klownz ni Allan K kinandado na

0 648

Apektado ang pandemya ang comedy bar ni Allan K na Zirkoh at Klownz na nasa Quezon City.

Kumpirmado na sarado ito.

Ang dating halakhakan sa bar ay napalitan na ngayon ng kalungkutan. Maraming stand up comedian ang nawalan ng trabaho. Nganga rin ang mga waiters, bouncer , bartender, GRO.

Post ni John Lapus sa Facebook:” Bye Klownz & Zirkoh (cry emoji) John “Sweet” Lapus (Pioneer Primetime Artist).”

“Magsasara na ang karamihan ng mga Comedy Bars. Lord kayo na po bahala sa mga anak ko,” magkahiwalay niyang post.

Nagtanong kami sa isang empleyado sa Zirkoh kung pansamantala lang ba ang pagsasara ng naturang bar?

“As of now permanently closed na. Di pa masabi kung magbubukas ulit after ng pandemic. We will look at the situation once the pandemic is over.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagpadala rin umano ang management ng formal letter sa kanilang mga tauhan.

“We regret to inform you that our company, Klownz Comedy Bar Inc., is facing a tremendous economic financial loss brought about by the Corona Virus 19 Pandemic in the Philippines.

“And because of this unprecedented uncertainty, our overhead expenses cannot be met, that is the reason that the company resorted to closure effective July 29, 2020.

“As much as we want to give you the statutory separation pay as provided by the law, the company can no longer afford the same as we are now in the verge of bankruptcy and we do not have enough funds to pay the same.

“We can only offer the following compensations: Unpaid salary; 13th Month Pay (Prorata); Cash assistance from the company.

“You are no longer required to work on July 29, 2020. Thank you and we appreciate the service you have rendered to the company.”

Mukhang swak naman ang post ni Allan K sa kanyang Instagram account na ang caption ay “We will all smile again!!!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.