Abante Tonite Interactive

Zoom scandal sa CR sumabog sa Kamara

0 1,287

Huli sa camera ang pagdumi ng isang resource person sa unang Zoom online hearing ng House Committee on Overseas Workers Affairs nitong Biyernes ng umaga.

Habang tinatalakay ni Trade Union Congress Party Rep. Raymond Mendoza ang mga agenda sa nasabing hearing sa pamamagitan ng Zoom conference ay nakita si Philippine Association of Service Exporters, Inc. (PASEI) chairwoman Edwina Beech na nagpunta sa inidoro para dumumi.

Ilang segundo din naka-flash sa screen si Beech sa online hearing bago matanggal sa pagpupulong.

Sa nasabing hearing ay pinag-usapan ang mga detalye ukol sa mga overseas Filipino worker ngayong COVID-19 pandemic. (RP)

Tonite – Wendys Inhouse Ad