Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zsa Zsa todo tanggol sa sablay ni Darren

0 320

NI: ARCHIE LIAO

Usap-usapan ang naging performance ng biriterong si Darren Espanto sa ASAP Na’tin To noong nakaraang Linggo.

Sumablay kasi ang dating Voice Kids finalist dahil nagloko ang teleprompter sa kanyang live na pagkanta sa nasabing Sunday noontime musical variety show.

Dahil dito, hindi niya nakanta nang maayos ang lyrics ng kanyang piyesa.

May mga nam-bash sa singer pero marami rin naman ang bumilib dahil naitawid naman niya ang kanyang performance.

Ibinahagi rin ng Fil-Canadian singer ang kanyang natutunan sa nasabing karanasan.

Aniya, hindi raw dapat laging umasa sa teleprompter kapag nagpe-perform on stage.

Sa nangyari, ipinagtanggol naman siya ng ASAP host na si Zsa Zsa Padilla. Nilinaw niya kung bakit nangyari ang naturang pagsablay.

“That was Gary V’s part kaya nya Di memorized and nagloko ang teleprompter. He had to make it a solo coz biglaang absent si Gary V” sey ni Zsazsa sa kanyang Twitter.

Nagpasalamat naman si Darren sa mga kasamahan na todo ang naging pagtatanggol sa kanya.

Nagbigay rin siya ng kanyang mensahe sa mga bossing ng ABS-CBN sa suporta ng mga ito sa kanya.

“It wasn’t your fault” were the most comforting words I heard from my bosses at ASAP. Love you ASAPF! @ASAP Official,” caption ng kanyang Twitter.

Leave A Reply

Your email address will not be published.