Abante Tonite Interactive

Zubiri luhaan sa P300M pork

419

Bumisita sa Malacañang noong Lunes nang gabi ang ilang senador upang makiusap kay Pangulong Rod­rigo Duterte na huwag ipitin ang kanilang pork barrel fund.

Isa sa pumasyal sa Palasyo, ayon sa source ng Tonite, ay si Senate Majo­rity Leader Juan Miguel Zubiri.

Umaabot daw kasi sa P300 mil­yong halaga ng proyekto ni Zubiri ang nadamay sa lahatang pag-ipit ni Pangulong Duterte sa mga pork barrel fund ng mga mambabatas.

Sa kabila ng pagla-lobby ng ilang senador, hindi pa rin umano sila nagtagumpay.

Nakapaloob sa 2020 national budget ang P80 bilyong pork na pinirma­han ni Pangulong Duterte noong Enero.

Inakala ng mga senador at kongresista na lusot na ang kanilang pork, pero nagdesisyon ang Pangulo nitong nagdaang araw na ipitin ang paglalabas ng pondong ito.

Nalaman kasi ni Duterte na kinuha ang pork barrel fund sa flagship pro­ject niyang Build, Build, Build prog­ram.

Ang desisyon ni Duterte ay kinatuwa ng anti-pork solon na si Senador Panfilo Lacson.

“This is one reason why I conti­nue to support the leadership of Pre­sident Duterte in spite of some disagreements with him over some policy issues: He has time and again displayed the strong political will, even against many self-proclaimed allies in Congress whose loyalty clearly lies where the money lies.” ani ni Lacson.