Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Zumba gigiling na sa Metro Manila

0 97

Maaari nang rumampa ang mga mahilig sa aerobic dance o zumba at iba pang non-contact exercise sa mga lugar na nakasailalim sa alert level 2, kabilang ang Metro Manila.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng go signal na ibinigay ng Inter-Agency Task Force (IATF) matapos ang ginawang pulong noong Huwebes.

Ang mga aktibidad aniyang ito ay karaniwang ginagawa sa fitness studio, gym, at iba pang sporting area.

SM food to go Banner Ad

“The recommendation to allow group activities for fitness studios, gyms, and venues for non-contact exercise and sports in areas under alert level 2 has been approved.”

Ilan sa mga maituturing na non-contact sport ay badminton, tennis, table tennis, golf, bowling, darts, running, track and field, bicycle race, rowing at iba pa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.