Kung dati ay pambayad sa tubig at kuryente lang ang naiaambag ni TJ Monterde sa gastusin nila ng misis niyang si KZ Tandingan, ngayon ay proud siya na maganda na ang pasok ng pera sa kanya. Nakabili na siya ng isang lote na pagtatayuan nila ng kanilang dream house.
“LIFE UPDATE: God is Faithful,” pagbabahagi ni TJ sa kanyang Instagram post nitong Agosto 28. Dito ay nag-video siya sa lote na aniya’y nabili na niya.
“Three years after that prayer, here we are. And I just bought KZ the lot of our future dream home.
“Sobrang dream namin itong area na ito. Standing here, hindi ako makapaniwala na grabe noh? Four years ago parang na-limit ko ‘yung sarili ko and na-limit ko ‘yung blessings na puwedeng ibigay ni Lord sa akin,” wika ni TJ.
Frustrated raw kasi siya nu’ng mga time na nagdarasal siya sa Panginoon kung bakit hindi siya ang mas nagiging provider sa pagsasama nila ni KZ.
In-encourage din niya ang kaniyang mga follower na huwag limitahan ang plano ng Diyos sa kanilang buhay, at magsilbi nawa siyang inspirasyon.
“The future Monterde residence!” pagpi-flex pa niya sa lugar na iyon. Nagyakapan pa sila ng kanyang misis na si KZ after that video.
May sweet message din si TJ sa kanya, dahil anibersaryo rin pala nila.
“Sayo lang ang tingin.
Dahil sa mundo kong puro pero,
Ikaw ang aking sigurado.”
“Happy anniversary, my KZ,” post pa ni TJ kalakip ang song niyang “Sigurado”.
“High or low, fast or slow, wherever life takes us along, I will always come back to this song. 6 years na yon?! Haha,” say pa ng “Palagi” singer. (Jun Lopez)










