WebClick Tracer

NEWS

Surigao del Norte Cong Lalo Matugas, anak tagilid sa P80M road project – Ombudsman

ABANTE TONITE

Inirekomenda ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng mga graft at malversation cases laban kay Surigao del Norte Rep. Francisco “Lalo” Matugas at sa anak nito na si Francisco “Bingo” Matugas II kaugnay ng P80 milyong road project.

Kasama sa reklamo ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga indibiduwal na konektado sa Boometrix Development Corporation na sangkot diumano sa P80 milyong road project sa Tuboran, Del Carmen.

Batay sa rekord ng DPWH, dineklarang “fully completed” ang naturang proyekto at buong nabayaran ang Boometrix.

Pero lumabas sa inspeksiyon ng Ombudsman na 65 hanggang 75 porsiyento pa lamang ng proyekto ang natapos at tinatayang P31 milyon ang pondong inilabas sa kabila ng kondisyon nito.

Ayon sa Ombudsman, nakitaan ng “pecuniary interest” ang mag-amang Matugas sa kontrata ng road project.

“The matter now proceeds to preliminary investigation,” ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano.

Sasampahan naman ng kasong administratibo ang mga opisyal ng DPWH na dawit sa kontrata, habang ire-refer si Congressman Matugas sa House committee on ethics.

Padadalhan din ng kopya ng reklamo ang Anti-Money Laundering Council. (John Riz Calata)