Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 10858 o 2027 General Appropriations Bill (GAB) 2027 na nagkakahalaga ng P7.2 trilyon.
Sa botong 281 pabor, 13 ang kumontra at isa ang nag-abstain, tuluyang pinagtibay ang pambansang budget at inaasahan na agad itong ita-transmit sa Senado para sa hiwalay na bersyon ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Kabilang sa mga nakalaang pondo sa panukalang budget ang mahigit P22 bilyon para sa Kamara de Representantes at mahigit P650 bilyon para sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kapansin-pansin din sa panukalang budget ang pagbabalik ng pondo para sa mga flood control project sa ilalim ng DPWH.











