WebClick Tracer

METRO

Padre de pamilya dinedo, 4 kaanak tiniklo

ABANTE TONITE

Isang 57-anyos na padre de pamilya ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay sa Bacoor City, Cavite.

Apat na kapamilya ang inaresto kaugnay ng insidente, matapos umanong magkaroon ng mainitang pagtatalo bago natuklasan ang sinapit ng biktima.

Natagpuang wala nang buhay ang biktima na isang vendor na may mga tama ng patalim at duguan ang mukha sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite, nitong Linggo ng umaga.

Batay sa imbestigasyon ng Bacoor City Police Station, madalas umanong nagtatalo ang biktima at ang misis nito na siyang pangunahin umanong suspek dahil nagkaroon pa umano ng mainitang pagtatalo bago ang insidente.

Bukod sa ginang, tatlo nilang anak, dalawang babae at isang lalaki ang inaresto, at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulis­ya habang patuloy ang imbestigasyon sa motibo at papel ng bawat isa sa krimen. (Ronilo Dagos)